Sunday, March 27, 2016

MCSFGE106_A Home with a Rebel

“A Home with a Rebel Script”
Isang araw, merong pamilya na mayaman pero sila ay nag aaway.
Si Geraldine ay nakita ng kanyang anak na nagdidilig.
Angelica: ma alis napo ako.
Geraldine: maaga ka uuwi ah,
Opo ma. Sigi po papasok napo ako. Maaga ako uuwi mamaya.
Dumating si Jeremy, ang tatay ni Angelica at ang asawa ni Geraldine.
Pa, pasok napo ako.
Geraldine: ano ba naman yan lasing ka na naman.
Jeremy: pake mo ba buhay ko to diba, tabi ka nga jan.
Tinulak ang kanyang asawa papalayo.

Si Angelica ay nakipagkita sa kanyang mga kaibigan. Ito ay si Luisa at si Jhen.
Angelica: Guys, kamusta! Kumain naba kayo?
Sila: hindi pa e.
Andami kasing mga project e,
Tapos kana ba sa math assignment?
Angelica: turuan ko nalang kayo
Buti nalang nanjan ka.
Madali lang naman yan.
Nagtawanan sila.
Ay may research paper pa pala tayo.
Hala grabe
Tapos may short film pa tayo,
Sige kaya natin yan.
Nagugutom na ako. Kain na tayo
Sige. Dun nalang tayo kila George.
Ano namang bibilin natin?
Siomai
(nagtawanan sila)
At umalis na sila.

Makalipas ang ilang oras.
Naglakad lakad sila upang maghanap ng pampatanggal umay, at biglang dumating ang kanilang beki na kaibigan. Ito ay si Louwell.
Louwell: hi girls.
Uy hello, hi, kamusta ka naman girl?
San ka naman galing? Bakit ngayon ka lang naming nakita?
Jan lang ako. Namboys lang ako. Hehehehehe (nagtawanan sila)
Ikaw talaga dapat aral muna tayo.
Ngayon ko lang kayo nakita e. san ba kayo pupunta?
Kakain, gusto ko nga ng Ice cream e.
Ice cream ang paborito ni Luisa dahil gusto nya kumain ng mamasa masa at mejo matamis.
Nagtalo sila dahil ang iba ay gusto ng cotton candy.
Louwell: ano bay an girls. Bilin nalang natin lahat. Kung jan kayo liligaya. Hehehe.
Talaga?
Oo naman. Basta libre niyo ako.
Ikaw talaga napaka buraot mo. (nagtawanan ulit)
At nakapag desisyon na sila. At sinumulan na nila ulit maghanap ng icecream at cotton candy.
Nang nakahanap na sila. Bumili na sila nagturuan pa sila kung anong kulay ang gusto nila.
Umupo sila sa tabi upang makapag kwentuhan pa ng mas matagal at mas lumigaya ang kanilang paguusap dahil nandun si louwell ang kanilang beki na kaibigan.

Sa ibang oras, si Geraldine ay nakaupo sa mesa nila at nagaantay na dumating ang kanyang asawa na si Jeremy.
Nang dumating si Jeremy ay pasigaw na sinabi niya na
Anong ulam?
Nakatunganga lang si Geraldine.
Itlog na naman?
Eh anong magagawa ko? Eh yan lang naman ang kaya kong lutuin e. ang mga katulong natin ay pinag bakasyon ko dahil awang awa nako sa kanila.
Anong pake ko? Wala kabang alam dito sa kusina? Binibigyan naman kita sa mga sinasahod ko ah. Yan lang ba ang kaya mo?
Anong sakto? Sasakto lang sa pahinga mo ganon?
Sshhhh! Eh ikaw na nga lagi nandito sa bahay e. tapos nagrereklamo kappa?
Ako na nga ang nagpapakahirap sa anak natin e. ako nagbibigay ng baon, ako nag papaaral. Ano?
Oh? Eh sinusumbat mo sakin yan ganon?
Sinusumbat ko ba? Sinasabi ko lang ang totoo.
(HAYNAKO, BUHAY MAG ASAWA NGA NAMAN!!!!)

Kinabukasan si Angelica ay nagpaalam sa kanyang ina na aalis upang makipag kita sa kanyang mga kaibigan.

Si Jeremy ay nangangaliwa ito ay nag ngangalang Mariz. Pero nung araw nayun ay nahuli din sila ng kanyang asawa.
(pew paw! Phew phew phew) sinuntok ni Geraldine si Jeremy dahil sa kanyang mga nakita. Di manya gusto mag iskandalo ay ganun na nga ang nangyari.
Mariz: wala kang pake kung gusto sakin ng asawa mo!!!
Geraldine: aba talaga ha? Ang kapal naman ng muka mo!!!
Bakit sino kaba?
Ako lang naman ang asawa nya.
Pwes! Ako ang mahal nya. Kaya wala kang pakialam doon!
Di nagtagal ay nag sabunutan sila.
(brq, phew phew pftt!)
Inawat sila ni Jeremy. At mas kinampihan pa ni Jeremy ang kanyang kaliwa.

nakita ng mga kaibigan ni Angelica na may roong kaaway ang kanyang ina.
Dali dali niya ito inawat. Ngunit sa dala ng pagkainis ay pati ang kanyang anak ay nasermunan nya.
Angelica: bakit ba? Kayo na nga ang inaawat e.
Geraldine: wala ka nang pake sa away naming ng tatay mo!

Si Angelica naman ay nag walkout sa sobrang inis. Inawat siya ng kanyang mga kaibigan ngunit nagalit lang siya ditto.
Luisa: bakit kaba ganyan? Eh ikaw na nga ang tinutulungan eh.
Angelica: wala na kayong pake don.

Dahil sa pagmumukmok ni Angelica ay agad siyang napansin ng mga iba niyang kaibigan.
Ito ay sila Clarisse, Ange, Rafael, Jerson at Cj.
Si Clarisse ay kilala na sikat sa kanilang Campus. Pag siya ay dumadaan ay humihinto ang paligid sa kanyang ganda.
Si Ange naman ang morenang model ng kanilang Campus. Siya ang pumapangalawa sa kagandahan ni Clarisse.
So Rafael ay isang basagulero pero Chicboy sa kanilang campus. Walo sa sampung babae ay napapasagot nya.
Si Jerson naman ay ang alalay ni Rafael. Sumusunod sya kay Rafael dahil gusto nya rin hangaan ng mga tagahangang babae ni Rafael.
At si CJ, the Campus Heartrob. Si CJ ay cute, hindi siya gaano katangkaran pero nasobrahan naman siya ng bawi sa kanyang katawan at pagmumuka. Si Clarisse at Ange ay patay na patay sa kanya ngunit wala lang ito kay CJ.
Dahil si CJ ay yung tipong Study First Girlfriend later.

Niyaya nila si Angelica na uminom upang maibsan ang luha na tumutulo sa kanyang mata.
Angelica: eh hindi naman ako umiinom e.
Jerson: hindi yan, ako bahala sa iyo.
Rafael: tama tama hindi mo ba crush si Jerson? Ang cute nya kaya.
Angelica Clarisse: oo tara na inom na kasi tayo, masarap yun promise.
Pag uminom ba ako nyan makakalimutang ko ang mga problema ko?
Jerson: oo naman makakalimutan mo lahat lahat.

maya maya ay nakita nila si Angelica.
Oyy! Sigaw ni Rafael, san ka pupunta? Tatakasan mo kami ah?
Nako, hindi ah.
Sus bakit parang bumabaling ka ng liko nung nakita mo kami?
Ah eh… wala yun sigi na inom na tayo

Nang umiinom na sila ay masayang silang nagkekwentuhan.
Jerson: sabe sayo eh, makakalimutan mo ang problema mo.
Tama ka. Salamt guys.

Nang nakauwi na si Angelica ay naalala niya ang mga kaibigan nya.
Nag flashback ito sa kanyang isip.
Napag isip isip nya na namimiss niya na sila. At mas gusto niya ito kasama dahil kahit walang pera ay masasaya silang nagsasama.

Naguusap si Jeremy at Geraldine.
May ipagtatapat sana ako sayo.
Ano yun?
May Cancer ako. Brain Cancer.
Biglang nandilim si Jeremy at siya ay umiyak.
Wag ka mag alala. Ipapagamot kita kahit anong mangyare.
Ititigil ko na ang mga bisyo ko mapasaya lamang kita. Patawarin moko sa lahat lahat ng mga nagawa kong mali sayo.
Patawarin morin ako. (nagyakapan sila)

Maya maya ay nagusap naman si Jeremy at ang kanyang anak.
Nagsagutan sila hanggang mapunta ang usapan na.
May sakit ang nanay mo hindi kaba nag aalala?
Edi ipagamot mo.
Bakit mo ba ako sinasagot sagot ng ganyan? Dahil basa nagkamali ako? Lahat ng iyon ay kayang kong baguhin. Patawarin mo kami anak.

Makalipas ang mgasusunod na araw ay nagkaayos na sila. Ang sakit ng kanyang ina ay patuloy na iginagamot na.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Thankyou for Reading! J
Cast
Angelica Torero as Daughter
Geraldine Eufracio as Mother
Jeremy Sanchez as Father

Good Friends
Maria Luisa Conui
Jerennie Gigante
Louwell Abaya

Bad Friends
Angelica Luciano
Clarisse Moralde
Rafael Querubin
Christoper John Sanopo
Jerson Calda

In a Special Participation of
Mariz Rapirap as Mistress


Submitted to: Ms. Chari Elevado
Submitted by: SFGE-106 Group 1

No comments:

Post a Comment